Unang gold ng Cebu mula kay Santos
MAASIN CITY, Leyte, Philippines -- Inangkin ni Ivan Miguel Santos ng Cebu City ang unang gold medal matapos pagharian ang boys 5,000-meter kahapon sa Philippine Sports Commission-Philippine Olympic Committee Batang Pinoy Visayas qualifying leg sa Southern Leyte Sports Complex.
Dinomina ng 14-anyos na si Santos, ang ama na si Lt. Col. Michael Santos ay nakabase sa Cotabato City, ang labanan mula umpisa hanggang matapos bagama’t may ubo at sipon.
Nagtala ang 5-foot-9 na high school junior sa University of San Carlos ng bilis na 18 minuto at 31 segundo.
Nakatakda pang lumahok si Santos sa 1,500m at 800m events.
Inangkin naman ni ShanÂtel Tanucan ang gold medal sa girl’s long jump mula sa lundag na 4.56 meters sa kanyang ikaapat na pagtatangka.
Lalahok din ang VisaÂyas leg gold winner sa high jump na si Tanucan sa triple jump at high jump competitions.
Si Sandra Anne Marie Empino ang kumuha sa gintong medalya sa girls 2000m walk mula sa bilis niyang 15:06.05.
- Latest