^

PSN Palaro

UP kampeon sa UAAP swimming

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumipak ng apat na gintong medalya si Claire Adorna para pangunahan ang UP sa pagwalis sa UAAP men’s at women’s swimming titles na pinag­labanan sa Trace Aqua­tics Center sa Los Banos, Laguna kamakailan.

Si Adorna na naglaro sa FISU Summer Universiade sa Kazan, Russia noong Hulyo ay nakapagtala pa ng bagong meet record sa 400-meter freestyle na 4:33.69 at sa 200-meter back stroke sa 2:23.53.

May isang silver at bronze pa si Adorna para bigyan ng kinang ang hu­ling taon ng paglangoy.

Ang magkapatid na sina Delia at Denjylie Cordero ay nagsanib pa sa pitong ginto, apat na pilak at dalawang bronze at si Denjylie ay bumura ng UAAP records sa 50-m breast (34.01), 100-m breaststroke (1:14.06), 200-m breaststroke (2:37.75) at 200-m individual medley (2:25.58).

Sa kabuuan, ang Lady Maroons ay kumulekta ng 587 puntos para talunin ang Ateneo (387) puntos at La Salle  (115) puntos.

Ibinandera naman ng Maroons nina Gabe Castelo at Charlie Walker sa tig-dalawang gintong medalya para makalikom ang men’s team ng nangungunang 452 puntos.

Nasa malayong ikalawang puwesto ang La Salle sa 301 puntos habang ang nagdedepensang kam­­peon na Ateneo ang pumangatlo sa 283 puntos.

ATENEO

CHARLIE WALKER

CLAIRE ADORNA

DENJYLIE CORDERO

GABE CASTELO

LA SALLE

LADY MAROONS

LOS BANOS

SI ADORNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with