St. Clare, CEU unahan sa Game 1
MANILA, Philippines - Sasagupain ng nagdedepensang Saint Clare College-Caloocan Saints ang Centro Escolar University Scorpions sa Game One ng 13th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) men’s basketball best-of-three championship series.
Nakatakda ang banggaan ng Saints at Scorpions ngayong alas-10:30 ng umaga sa Makati Coliseum.
Naipanalo ng CEU ni coach Edgar Macaraya ang kanilang kabuuang 11 games ngayong season mula sa average margin na 24 points, kasama dito ang 67-41 paggupo sa St. Clare noong Setyembre 13 sa pagtatapos ng elimination phase.
Tinalo naman ng Saints ang host Our Lady of Fatima Phoenix, 76-66, para makasagupa ang Scorpions sa finals.
- Latest