^

PSN Palaro

Knockout game! Tigers pinaamo ang Bulldogs

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananatiling  buhay ang laban ng UST sa 76th UAAP men’s basketball nang paamuin ang National University, 71-62, sa pagbubukas ng Final Four sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Alam na ito na ang huling laro kung mata-talo, lahat ng ginamit ni coach Alfredo Jaren-cio ay naglaro ng todo para makatulong sa panalo na nagtakda ang rubbermatch para sa upuan sa championship round na gagawin sa Sabado.

“Sinabi ko lang sa kanila na nothing to lose tayo. Ang number four can beat the number one team. Ang problema kasi ng number one, kailangan nilang i-maintain ang ranking nila. Kami as number four, nag-a-aspire na maging number one,” wika ni Jarencio

Sampung manlalaro ang ginamit agad ni Jarencio mula sa unang yugto at lahat sila ay umiskor para sa pagtapos ng first half ay angat na ang Tigers sa 39-23.

Pinakamalaking bentahe ay umabot sa 18 puntos at huling nangyari ito sa 63-45 mula sa tres ni Clark Bautista may 7:14 sa orasan.

Ngunit gumana ang pressing defense ng Bulldogs para pagningasin ang 13-0 bomba at makapanakot sa 63-58.

Muntik pang napababa ang bentaheng ito ngunit sumablay ang libreng dunk ni Emmanuel Mbe.  Sa ganting opensa ng Tigers ay naroroon ang beteranong si Jeric Teng na naipasok ang malayong tres laban sa depensa ni Bobby Parks Jr. upang ilayo sa walo ang UST, 66-58.

Si Teng ay tumapos taglay ang 8 puntos habang si Karim Abdul ay may 7 puntos, 7 rebounds at 3 blocks.

 

ALFREDO JAREN

BOBBY PARKS JR.

CLARK BAUTISTA

EMMANUEL MBE

FINAL FOUR

JARENCIO

JERIC TENG

KARIM ABDUL

NATIONAL UNIVERSITY

SI TENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with