Tabora, Layoso nangunguna sa BWC finals
MANILA, Philippines - Lumapit si Krizziah TaÂbora sa posibleng ikalawang sunod na paglaÂlaro sa Bowling World Cup nang magkaroon siya ng malaking kalamangan sa mga kalaban matapos ang second round sa qualifying event sa Paeng’s Midtown Lanes noong Miyerkules.
Ang 22-anyos na si TaÂbora ay nagtala ng 10-game series na 2055 tungo sa kabuuang 4255 pinfalls.
Siya ay angat ng 188 pins kay Lara Posadas na mayroong 4067, at 233 angat kontra kay Mades Arles (4052) sa kababaihan.
Ang national bowler na si Benshir Layoso ay abante naman sa kalalakihan sa nagawang 5291.
Nakasunod sa 44-anÂyos na si Layoso ang kasamahan sa National team na si Jeremy Posadas na mayroong 5103. Sinandalan ni Posadas ang perfect game na naitala noong Martes.
Ang hindi kilalang si Nicco Olaivar ay nakagawa rin ng 300 game para okupahan ang ikawalo at huÂling puwesto papasok sa quarterfinals.
Maglalaban pa sa walong games ang kalalaÂkihan para madetermina ang top three finisher.
Ang hihiranging kampeon sa kalalakihan at kaÂbabaihan ay kakatawan sa bansa sa World Cup mula Nobyembre 15 hanggang 24 sa Sibiryak Bowling Center sa Krasnoyarsk, Russia.
- Latest