Rose mas magaling makisama kumpara sa ibang NBA stars
MANILA, Philippines - Kumpara sa mga NBA superstars na nauna sa kanyang dumalaw sa Pilipinas, mas may panahon si Derrick Rose ng Chicago Bulls na sagutin ang mga katanungan sa kanya ng Philippine media.
Pinasalamatan din niya ang mga ito.
Nasa bansa si Rose, ang NBA MVP noong 2011 sa edad na 22-anyos, para sa isang three-day visit.
Nagbabad siya sa Club Haze sa The Fort matapos dumating sa bansa noong Linggo ng umaga at sinagot ang tanong ng media sa Marriott Hotel.
Kinahapunan ay nagtuÂngo siya sa Smart Araneta Coliseum para panoorin ang mga 3-on-3 players at nagdaos ng maikling scrimmage kasama ang mga Filipino players.
Kahapon ay muli siyang dumalo sa isang press conference sa Marriott at muling sinagot ang tanong ng media.
Nagpaunlak siya ng litrato at autographs para sa mga humiling sa kanya.
Tinanong siya kung sino ang best player ngaÂyon sa NBA.
“If you’re asking who’s the best, I can only speak for myself and I think I’m the best point guard.†wika ni Rose.
Sinabi pa ni Rose na gusto niyang maglaro para sa United States team sa 2014 World Championship kung bibigyan siya ng pagkakataon. “If they select me to be on the team, it will be an honor,†sabi ni Rose.
Noong 2011, pumirma si Rose ng isang five-year contract extension para sa Bulls na nagkakahalaga ng $94.8 milyon.
- Latest