Ravena nahirang na UAAP Jr. MVP
MANILA, Philippines - Tinapos ni Thirdy RaÂveÂna ang pitong taong paghihintay na may isang high school player mula Ateneo ang manalo uli ng Season Most Valuable PlaÂyer (MVP) award sa UAAP.
Lumabas man na pinaÂkamahusay na koponan ang National University sa double-round elimination, si Ravena naman ang kumuha ng taguri bilang pinakamahusay na manlalaro sa naunang yugto nang kunin ang 79.5714 statisticap points at angkinin na rin ang MVP plum.
Sa istatistika ibinabase ng UAAP ang mananalo sa pinakaprestihiyosong individual awards at si Bacon Austria ang huling naÂkagawa nito para sa Eaglets na nangyari noong 2006.
Kumubra ang fourth year student na si Ravena ng 18.7 puntos, 11.2 rebounds at 4.3 assists para makalikom ng nangungunang 949 Statistical Points. May 11-3 karta ang Blue Eaglets para magkaroon pa ng 165 bonus points ang nasabing manlalaro tungo sa nakuhang kabuuang SP.
Tatlong National University players na sina Mark Dyke, John Cauilan at Hubert Cani ang nasa top five ng karera upang maipaÂkita kung bakit nagawa ng Bullpups na walisin ang 14 na laro at dumiretso na sa Finals at magtataglay ng thrice-to-beat advantage sa makakatunggali.
Sakaling magpatuloy pa ang makinang na paglalaro ni Ravena at masilat ang patok sa titulo na Bullpups, malaki ang posibilidad na gumawa siya ng kasaysayan na maging kauna-unaÂhang manlalaro na nanalo sa Season at Finals MVP ng liga.
- Latest