^

PSN Palaro

Humirit ng playoff: Archers pinana ang Tigers

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules


(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m.  UE vs UP

4 p.m.  Ateneo vs UST

 

MANILA, Philippines - Kinumpleto  ng La Salle ang pagwalis sa pitong laro sa second round nang panain ang UST,  69-64, sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Lumayo ang Archers ng hanggang 14 puntos sa ikatlong yugto bago naisantabi ang pagbangon ng Tigers sa pagtutulungan nina Jeron Teng, Norbert Torres at Almond Vosotros para wakasan ang double-round elimination bitbit ang 10-4 baraha.

Nakasalo ngayon ang tropa ni coach Juno Sauler sa pahingang National University at FEU sa unang puwesto pero umabante na sa number one seeding ang Bulldogs dahil sa mas magandang quotient.

Ang Archers at Tama­raws ay magtutuos sa isang playoff para malaman kung sino ang haha­wak sa twice-to-beat advantage sa pagkikita ng dalawang koponan sa Final Four.

Si Teng ay tumapos ng  19 puntos at 11 rebounds at ang apat niyang puntos, kasama ang dalawang  free throws, ang nagpa­ni­ngas sa 9-4 palitan para hawakan ng La Salle ang 68-61 kalamangan sa hu­ling 20 segundo.

Bago ito, nakapanakot pa ang Tigers sa pagdikit sa dalawang puntos, 57-59, sa buslo ni Karim Abdul.

Si Torres ay naghatid ng 14 puntos at 13 rebounds  habang si Vosotros ay may 11 para sa Archers na binawian ang Tigers matapos itong manalo  sa unang ikutan.

Bumaba ang UST sa 7-6 baraha at mahaharap sa knockout game laban sa Ateneo para sa ikaapat at huling upuan sa semifinals na gagawin sa Miyerkules.

Dinurog ng UE ang Adamson, 77-60, para kunin ang ikaanim na panalo sa 13 laro at ipatikim sa Falcons ang ikasampung pagyuko laban sa apat na panalo.

Ipinagkait din ng pana­long ito ang hanap na magandang pamamaalam para kay Falcons coach Leo Austria na naunang nagsabi na hindi na babalik sa koponan sa susunod na taon matapos magkaroon ng pagdududa ang pamunuan sa kanyang kakayahang mag-coach.

Samantala, idaraos nga­yong alas-2 ng hapon ang Cheerleading Competition na kung saan pakay ng UP ang ikatlong sunod na titulo ngunit mapapalaban sila nang husto sa ibang katunggali lalo na ang National University na pinaghandaan ang edis­yong ito.

Ang NU ay puma­ngatlo sa nagdaang edisyon pero kumbinsidong kaya nilang agawin ang unang puwes­to sa taong ito. (ATan) 

DLSU 69: Teng 19, N Torres 14, Vosotros 11, Perkins 7, Van Opstal 6, Revilla 6, Torres 3, Salem 3, Reyes 0, Montalbo 0, De La Paz 0.

UST 64: Abdul 18, Mariano 16, Teng 10, Bautista 6, Sheriff 5, Ferrer 5, Lo 2, Daquioag 2, Pe  0, Faundo 0.

Quartersscores: 15-13, 37-30, 53-45, 69-64.

ALMOND VOSOTROS

ANG ARCHERS

ATENEO

CHEERLEADING COMPETITION

DE LA PAZ

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with