Wrestling, Muay kumpiyansang mananalo ng gold sa Myanmar SEAG
MANILA, Philippines - Tiwala ang mga contact sports ng wrestling at muay ang kakayahang panÂtayan ang naitalang gintong medalyang napaÂnalunan sa huling SEA Games na nilahukan sa pagsali sa Myanmar edition sa Disyembre.
Dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura sina Wrestling Association of the Philippines (WAP) secretary-general Karlo Sevilla at Muay Association of the Philippines vice president Red Dumuk at kahit limitado ang bilang ng mga atletang pasok na sa deÂlegasyon, hindi ito magiging dahilan para maudlot ang asam na medalyang ginto.
Sina Margarito Angana Jr. at Jason Balabal na nanalo ng tig-isang ginto noong 2011 SEA Games sa Indonesia ang magbabalik sa taong ito at sila ay nasa Iran para sa masinsiÂnang pagsasanay.
Kasama nila sa Iran sina Noel Norada, Josep Angana, Alvin Lobrequito at Johnny Morfe na ipinapasok din ng WAP ang tatlong lady wrestlers na sina Rosegyn Malabja, Kristine Jambira at Grace Laberones.
Sa kabilang banda, ang Muay ay magbabalik sa SEA Games matapos mawala sa Indonesia.
May isang ginto ang napanalunan ng delegasÂyong inilaban sa Laos SEA GaÂmes (2009) at tiwala si DuÂmuk na kayang pantaÂyan ito ng tatlong atletang nakapasa na.
Ang mga maglalaro ay sina Philip Delarmino, Jonathan Polosan at Prisila Ocaya.
Ang tatlo ay naglaro sa Asian Indoor-Martial Arts Games at kahit hindi pumasok sa medal round ay lumaban sila at kinapos lamang ng isang panalo para makakuha ng bronze medals.
- Latest