Army Spikers sa quarters; Airforce Netters pe-playoff
MANILA, Philippines - Nilimitahan ng Philippine Army sa tig-10 attack points ang Meralco sa unang dalawang sets tungo sa 25-21, 25-16, 25-18, straight sets panalo at angkinin na rin ang quarterfinals sa Shakey’s V-League Season 10 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Masigla na naglaro ang lahat ng ginamit sa Lady Troopers para makabaÂngon agad mula sa straight sets na pagkakadurog sa kamay ng Cagayan ProÂvince at hawakan ang ikalawang puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s sa 4-1 baraha.
“Sobrang pangit ang ipinakita namin last game kaya ipinangako namin na hinding-hindi na nito mauulit pa,†wika ng beteranong si Mary Jean Balse na gumawa ng naÂngungunang 16 hits mula sa limang service aces at tatlong blocks.
Ang Cagayan (7-0) at Smart-Maynilad (4-2) ang iba pang koponan na nakaÂtiyak na ng puwesto sa suÂsunod na round sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
May 45 attack points ang Army at si Jovelyn GonÂzaga ay may siyam na kills bukod sa apat na blocks tungo sa 13 puntos. May limang digs pa siya para maipakita ang husay din sa pagdepensa.
May 18 hits, tampok ang 16 kills, si Joy Cases para pamunuan ang 25-18, 25-19, 25-16, panalo ng Air Force sa Philippine Navy sa unang laro.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Air Women sa limang laro para hawakan na rin ang playoff para sa ikaanim at huling puwesto patungong quarterfinals sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Ikalimang pagkatalo sa anim na laro ang tinamo ng Navy Sailors.
- Latest