^

PSN Palaro

Pinoy boxers luhaan sa Ukraine slugfest

The Philippine Star

KIEV, Ukraine --Natapos na ang kampanya ng PLDT-ABAP National  team nang matalo ang huli nilang dalawang boksingero sa 2013 AIBA Junior World Boxing Championships.

Natalo si bantamweight Mike Angelo Plania kay Henry Lebron Jr. ng Puerto Rico, habang nabigo si light bantamweight Paul Gilbert Galagnao kay Istvan Szaka ng Hungary sa kani-kanilang mga engkuwentro.

Makaraang matalo sa opening round ay nagbago ng taktika si Plania sa se­cond round kung saan niya tinarget ang bodega ng Puerto Rican.

Subalit nagbago ng kanyang estratehiya si Lebron para sikwatin ang tagumpay.

Nakipagsabayan naman si Galagnao sa eksperyensadong si Szaka sa kanilang bangaan. Ngunit mas pinaboran ng mga hurado ang Hungarian fighter para sa unanimous decision win nito kay Galagnao.

“It would have been nice if we had a better draw so they could have fought more,” wika ni ABAP exe­cutive director Ed Picson.

“Still  we’ve gotten a lot of offers for sparring. We’re taking on all comers so they will get those fights. The fact that we were sought out by other teams says something about our bo­xers,” dagdag pa nito.

Ang iba pang miyembro ng developmental PLDT-ABAP team na sumali sa torneo ay sina Hipolito Banal Jr. at Jayson Daming.

ED PICSON

GALAGNAO

HENRY LEBRON JR.

HIPOLITO BANAL JR.

ISTVAN SZAKA

JAYSON DAMING

JUNIOR WORLD BOXING CHAMPIONSHIPS

MIKE ANGELO PLANIA

PAUL GILBERT GALAGNAO

PUERTO RICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with