2013 Aiba Junior World Slugfest Banal silat kay Gafarli
KIEV, Ukraine--Natalo si Filipino bet Hipolito Banal, Jr. ng PLDT-ABAP NaÂtional team kay Eljan Gafarli ng Azerbaijan sa 2013 AIBA Junior World Boxing championships.
Inungusan ni Gafarli ang 16-anyos na si Banal, 29-28, sa torneong sinalihan ng 351 boksingero mula sa 56 bansa.
Ikinagulat ni National coach Ronald Chavez ang nasabing kabiguan ni Banal.
“Sigurado na kami na panalo kasi maganda pinakita ni Banal at nakita namin ‘yong coach ng Azerbaijan na umiiling pagkatapos ng laban,†wika ni Chavez.
Tanging sina opening day winner Mike Angelo Plania at Paul Gilbert Galagnao ang magdadala sa kampanya ng PLDT-ABAP.
Lalabanan ng 16-anyos na si Plania si Puerto Rico pride Henry Lebron Jr. at makakatapat ng 15-anyos na si Galagnao si Istvan Szaka ng Hungary.
Magtatapos ang torneo sa Setyembre 15.
- Latest