Judiciary pasok na sa semis
MANILA, Philippines - Binigo ng Judiciary ang Metro Manila Development Authority, 115-61, para kunin ang No. 2 spot sa 1st UNTV Cup noong Linggo sa Fort Bonifacio Marine Corps Jurado Hall gym sa Taguig City.
Nagtala si Celedon Camaso ng 25 markers para pangunahan ang anim pang players na nagÂlista ng double digits para wakasan ng Judiciary ang elims na may 4-2 record.
Pinayukod naman ng Armed Forces of the PhiÂlippines ang PhilHealth, 96-74, para makatabla ang Judiciary.
Dahil tinalo ng Judiciary ang AFP noong Agosto 8, 100-97, makakasama sila ng Philippine NatioÂnal Police sa semis.
Makakalaro naman ang AFP sa crossover quarterfinals taÂngan ang ‘twice-to-beat incentive’ bilang No. 3 team. Kapwa may 2-3 baraha ang MMDA at ang PhilHealth katabla ang Congress-LGU.
Pag-aagawan ng tatlong koponan ang fourth spot na magkakaroon ng ‘twice-to beat incentive’.
Iginupo naman ng PNP ang DOJ, 135-51, para sa kanilang 5-0 record.
Dahil dito, tuluyan nang nasibak ang DOJ sa seven-team league na inorganisa ng Breakthrough and Milestones Productions International na pinamumunuan ni CEO at Chairman Daniel Razon.
- Latest