Gabica umabante sa main draw, Manalo nanganganib
MANILA, Philippines - Nakitaan ng tiyaga si 2006 Doha Asian Games gold medalist Antonio Gabica upang siyang maunang umabante sa main draw ng World 9-Ball Championship matapos ang 9-7 panalo kay Dominic Jentsch ng Germany sa group eliminations kahapon sa Alarabi Sports Club, Doha, Qatar.
Mahigpitan ang labanan ng dalawa pero si Gabica, na ngayon ay coach sa Doha, ang laging nakaangat. Huling tabla sa laro ay sa 7-all bago tinuhog ni Gabica ang huling dalawang racks at umusad sa main draw galing sa winner’s bracket sa Group 2.
Hindi naman pinalad ang isa pang Filipino bet na si Marlon Manalo matapos yumuko kay Omar Al Shahen ng Kuwait sa 1-9 iskor.
Bumaba si Manalo sa loser’s side sa Group 2 at kailangang manalo kay Sniegocki Mateusz ng Poland para masama sa mga maglaÂlaro sa tournament proÂper.
Ang iba pang magtatangka ng puwesto sa main event sa hanay ng mga Pinoy ay sina Francisco Bustamante, Ramil Gallego, Jeff de Luna, Israel Rota, Raymund Faraon, Lee Van Corteza, Marlon Villamor at Dennis Orcollo.
Samantala, nananatiling buhay ang laban nina Efren “Bata†Reyes at Carlo Biado nang manalo sa laro sa loser’s bracket.
Hiniritan ni Reyes si Shaun Wilke ng USA ng 9-4 panalo sa Group 1 habang sa ganitong score din pinatalsik ni Biado si Saleh Ameen ng host Qatar sa Group 6.
Kalaba ni Reyes ang matatalo sa pagitan nina Darren Appleton ng Great Britain at Jeong Young Hwa ng South Korea habang kasukatan ni Biado ang matatalo kina Jasson Klatt ng Canada at Toh Lian Han ng Singapore para madetermina kung sino ang papasok sa main draw mula sa loser’s side ng kanilang grupo.
- Latest