Djokovic, Nadal muling maghaharap sa US Open finals
NEW YORK--Tinalo ng 2011 champion na si Novak Djokovic si Stanislas Wawrinka, 2-6, 7-6 (4), 6-3, 3-6, 6-4, sa semifinals ng US Open sa loob ng 4 oras at 9 minuto.
Makakatapat ng No. 1-seeded na si Djokovic si No. 2 Rafael Nadal sa finals.
Ito ang kaÂnilang record na ika-37 paghaharap at ikaÂanim sa Grand Slam finals at ikatlo nila para sa korona sa Flushing MeaÂdows matapos noong 2010.
Umiskor si Nadal ng isang 6-4, 7-6 (1), 6-2 tagumpay kontra kay No. 8 Richard Gasquet ng France sa ikalawang semifinals match.
Naging maaksyon ang naturang Djokovic-Wawrinka match kung saan ito natigil ng dalawang beses daÂhil sa stanÂding ovations.
Ang sumasaÂkit na kanang hita ni Wawrinka ay nilagyan ng tape matapos ang isang medical timeout sa fourth set.
Sa kabila nito, nahaÂwakan pa niya ang isang 2-1 abante laban kay DjoÂkovic sa nasabing yugto.
Pero ibang Djokovic ang napanood ng mga fans para selyuhan ang panalo.
Nagawa niyang makaiwas sa match points para talunin si Roger Federer sa 2010 at 2011 U.S. Open semifinals.
Tinalo din niya si NaÂdal sa 2012 Australian Open finals na natapos ng halos anim na oras.
- Latest