^

PSN Palaro

Away sa Pasay

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Marami na yata ang naiinip sa susunod na laban ni Manny Pacquiao kaya pati sa PBA ay nagsuntukan na ang mga players.

Nag ala-Pacquiao si Mark Pingris at Kelly Nabong na nagsuntukan sa harap ng libu-libong tao sa Cuneta Astrodome at sa lahat ng PBA fans na nanood ng laro sa telebisyon.

Sandali lang naman ang kanilang bakbakan at halos hindi naman nagkatamaan ng husto. Pero sa akin, ganun pa rin ang epekto nito sa mga manonood.

Hindi maganda lalo na para sa mga kabataan na umiidolo sa mga PBA players.

Si Pingris na mismo ang nagsabi na matapos ang insidente ay nakausap niya ang kanyang batang anak na nagtanong kung bakit siya nakipag-away sa laro.

“Don’t do that ha, that’s bad ha,” ang sabi ng anak sa kanyang ama.

Mabuti na lang at mabilis din naman si Pingris sa paghingi ng paumanhin sa publiko. Kasing bilis din ng pagsugod niya kay Nabong.

Ayon kay Pingris, gusto lang niya ipagtanggol ang kanyang teammates. Magandang hangarin na nasundan ng masamang desisyon.

Sangkot din sa gulo sila Joe Devance, ang kakampi ni Pingris sa San Mig Coffee, at Marvin Hayes, ang kakampi naman ni Nabong sa Globalport.

Nasampal ng P20,000 na fine si Hayes at si De­vance naman P30,000 at one-game suspension. Si Pingris at Nabong naman ay magbabayad ng P60,000 kada isa at suspendido ng dalawang laro.

Sinabi rin ni Pingris na hihingi siya ng patawad at paumanhin kay Nabong at hinihintay lang niya ang tamang pagkakataon o kaya ay kapag humupa na ang lahat.

Pangit ang ipinakita ng mga players na nasangkot sa gulong ito pero pwede naman maremedyuhan kung sila ay magpapatawad din sa bawat isa.

Peace to all. Trabaho lang. Walang suntukan.

vuukle comment

CUNETA ASTRODOME

JOE DEVANCE

KELLY NABONG

MARK PINGRIS

MARVIN HAYES

NABONG

NAMAN

PINGRIS

SI PINGRIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with