^

PSN Palaro

Ibay itinakas ang Saints sa panalo sa NAASCU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinandalan ng nagde­depensang kampeon na Saint Clare College- Caloocan ang dalawang free throws ni Jayson Ibay para itakas ang 57-53 panalo sa Our Lady of Fatima University sa 13th NAASCU basketball tournament sa Rizal Technological University gym noong Biyernes.

Ang free throws ni Ibay ay ginawa sa huling 10 segundo bilang tugon sa tres na binitiwan ni Joseph Marquez para lumapit ang Phoenix sa 55-53, may 16 segundo sa orasan.

Ito ang ika-pitong sunod na panalo ng Saints sa walong laro at manati­ling nakadikit sa  Centro Es­colar University na luma­wig ang winning streak sa walong diretso matapos ang 69-45 paggapi sa New Era University sa isa pang laro.

Nagsanib-puwersa sina Samboy de Leon at Rodrigue Ebondo sa 17-2 run sa huling yugto para makakawala ang Scorpions at manatiling nagsosolo sa liderato.

Nanguna naman si RTU president Dr. Jesus Rodrigo Torres sa mga sumuporta sa host team na  nanaig sa City University of Pasay, 54-45.

Ang panalo ng Blue Thunder ay ikalima sa wa­l­ong laro para manatiling nasa ikatlong puwesto ha­bang ang Our Lady of Fatima University ang nasa ikaapat sa pantay na 4-4 karta.

Ang NEU ay may 2-6 baraha habang nasa hu­lihan sa anim na kopo­nang liga ang CUP sa 1-7 baraha.

 

vuukle comment

BLUE THUNDER

CENTRO ES

CITY UNIVERSITY OF PASAY

DR. JESUS RODRIGO TORRES

JAYSON IBAY

JOSEPH MARQUEZ

NEW ERA UNIVERSITY

OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with