Cagayan belles ‘di isusuko ang imakuladang kartada vs Army
STANDINGS W L
xCagayan 5 0
Army 3 0
Smart 3 2
Meralco 3 2
Air Force 2 2
Navy 0 3
PNP 0 3
FEU 0 4
Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. Navy vs FEU
4 p.m. Army vs Cagayan
MANILA, Philippines - Mga koponang nasa itaas at ibaba ang magpapasikat sa idaraos na Shakey’s V-League Season 10 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Mag-aagawan sa unang panalo ang Philippine Navy at FEU sa kanilang tagisan sa ganap na alas-2 ng hapon habang maipagpatuloy ang kani-kanilang winning streak ang nakaÂumang sa Cagayan ProÂvince at Philippine Army dakong alas-4 ng hapon.
Pasok na ang Lady RiÂsing Suns sa quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s pero kailaÂngan pa rin nilang manalo dahil carry-over ang format ng ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.
Tiyak na maaksyon ang bakbakan dahil ang Cagayan ay kilala sa lakas sa pag-atake habang ang Army ay kinatatakutan dahil sa bangis ng kanilang floor defense.
Aasa si Cagayan mentor Nestor Pamilar sa huÂsay nina Thai import Kannika Thipachot, Angeli Tabaquero at Aiza Maizo na una, pangatlo at pang-anim sa scoring sa liga sa naitalang 79, 73 at 58 puntos.
Sa kabilang banda, si Jovelyn Gonzaga ang mamumuno sa Army matapos itong gumawa ng 47 puntos sa tatlong laro at may 50 percent success sa spiking.
Ang tutulong kay Gonzaga ay sina MJ Balse, Michelle Carolino, Nene Bautista at Joanne Bunag para mapalawig din ang kawalan ng set loss ng Army sa liga.
Sina Michelle Laborte, Cecille Cruzada, Ma. Abigail Praca ang huhugutan ng lakas ng Navy.
- Latest