^

PSN Palaro

Cardinals ibinaon pa sa hukay: Blazers humigpit ang kapit sa final 4

ATan - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS        W  L

Letran                   9   2

San Beda             8   2

Perpetual            8   2

SSC                         5   5

JRU                        5   5

St. Benilde          5   6

EAC                        4   6

Lyceum                                4   7

Arellano               3   7

Mapua                  1   10

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

4 p.m.  JRU vs SBC (Srs.)

6 p.m.  AU vs SSC (Srs.)

 

MANILA, Philippines - Lumapit pa ang host Col­lege of St. Benilde sa mahalagang pang-apat na puwesto nang kalusin ang Mapua, 74-62, sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Gumana ang mga ina­asahang manlalaro ng Blazers na sina Paolo Taha, Jonathan Grey at Mark Romero partikular sa huling yugto upang ang naunang dikitang laro ay nauwi sa malaking panalo ng host team.

Ito ang ikalimang panalo sa 11 laro ng koponan para lumapit sa Jose Rizal University at San Sebastian na nasa ikaapat na puwesto sa magkatulad na 5-5 baraha.

Siyam mula sa na­ngu­ngunang 25 puntos ang ginawa ni Taha sa huling yugto habang si Romero ay may tres at si Grey ay umiskor sa transition para pakawalan ng Blazers ang 20-10 palitan matapos makapanakot ang Cardinals sa pagdikit sa dalawang puntos, 54-52.

Naghatid si Grey ng 14 puntos habang 13 pa ang ibinigay ni Romero at ang tropa ni coach Gabby Velasco ay nanalo sa ikalimang pagkakataon sa huling anim na laban.

May 20 puntos si Kenneth Ighalo pero natahimik siya sa huling yugto para bumaba pa ang Cardinals sa 1-10 baraha.

Dikitan ang bakbakan pero lamang ang Blazers sa lahat ng yugto matapos kunin ang 14-10, 28-26 at 50-47 kalamangan.

Ang basket ni Joseph Eriobu na may 12 sa laro, ang naglapit sa Cardinals sa dalawang puntos, 54-52, bago umalagwa ng anim na diretso si Taha.

CSB  74--Taha 25, Grey 14, Romero 13, Bartolo 8, Saavedra 4, Garcia 4, Sinco 2, Argamino 2, Deles 2, Jonson 0, Carlos 0, Ongteco 0.

Mapua 62--Ighalo 20, Eriobu 12, Saitanan 11, Biteng 8, Isit 4, Brana 3, Magtoto 2, Cantos 2, Guzman 0,.

Quarterscores: 14-10, 28-26, 50-47, 74-62.

GABBY VELASCO

JONATHAN GREY

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JOSEPH ERIOBU

KENNETH IGHALO

MAPUA

SAN JUAN CITY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with