Serena kakasahan si Azarenka sa US Open semis
NEW YORK--Madaling pinabagsak ni Serena Williams si Li Na ng China, 6-0, 6-3, sa semifinals ng US Open na pinaglabanan noÂong Biyernes dito.
Halos walang mali sa larong ipinakita ni Williams at kahit napahirapan siya ni Na sa second set, lalo na sa eight game nang naka-save ng anim na match point at nanalo pa ang Chinese netter, ay hindi na nagpabaya pa ang number one ranked player na si Williams nang kunin ang panalo sa kanyang serve.
Ang singles title na laÂÂmang ang puwedeng maÂpanalunan ni Williams dahil ang tambalan nila ng kapatid na si Venus para sa ikatlong US Open doubles title ay naglaho na matapos tanggapin ang 4-6, 2-6, straight sets pagkatalo sa fifth seeds na sina Andrea Hlavackova at Lucie Hradecka.
Makalalaban ni Williams sa titulo si Victoria Azarenka na pinagpahinga si Flavia Pennetta sa 6-4, 6-2.
Bakas sa mukha ni AzaÂrenka ang hirap na diÂnaanan dahil hindi niya lubusang nakontrol ang laban sa semis.
Limang beses na-break si Azarenka at nagbigay pa ng pitong service breaks kay Ivanovic ngunit kumaÂpit pa ang suwerte kay Azarenka para naipanalo ang laro.
Higit sa suwerte ay daÂpat na magtrabaho nang husto si Azarenka para masilat ang determinadong si Williams sa kanilang finals match.
- Latest