Bolts, Elasto Painters kakalas para sa solo 2nd
Laro Ngayon
(Ma ll of Asia Arena, Pasay City)
5:15 p.m. Meralco
vs Rain or Shine
7:30 p.m. Talk ‘N Text vs Alaska
MANILA, Philippines - Sa isang maikling komperensya, alam ni Meralco head coach Ryan Gregorio ang kahalagahan ng bawat laro.
“In a conference like this you can’t let your guards down. We have to keep on searching, clawing and you will be rewarded,†wika ni Gregorio matapos ang 84-74 panalo ng Bolts laban sa Alaska Aces noong Martes. “We need to keep on climÂbing the ladder of success.â€
Asam ang kanilang ikatlong sunod na panalo, lalabanan ng Meralco ang nagdedepensang Rain or Shine ngayong alas-5:15 ng hapon sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa ikalawang laro sa alas-7:30 ng gabi ay magtatagpo naman ang Talk ‘N Text at ang Alaska.
Nagmula ang Elasto Painters sa 109-95 panalo kontra sa Air21 Express noong Sabado na tumapos sa kanilang two-game loÂsing skid.
“Winning means getting back into contention. MalaÂking bagay itong panalo sa amin especially in trying to arrest our two-game skid,†wika ni Rain or Shine coach Yeng Guiao.
Sa ikalawang laro, puntirya naman ng Tropang Texters na maduplika angkanilang 102-95 panalo sa Batang Pier noong SetÂyembre 1 sa pagsagupa sa Aces.
Sa nasabing panalo ng Talk ‘N Text ay nagtumpok sina Gilas Pilipinas members Larry Fonacier, Jayson Castro at Ranidel de Ocampo ng pinagsamang 42 points.
“At least our defense has been a little bit better than in our first two games,†ani coach Norman Black sa depensa ng kanyang Tropang Texters. “I would like us to get better at it as the conference goes on.â€
Itatapat ng Talk ‘N Text si balik-import Tony Mitchell kontra kay Wendell McÂKines ng Alaska, nagkampeon sa nakaraang PBA Commissioner’s Cup.
- Latest