^

PSN Palaro

Huey, Gonzales magbabalik sa Davis Cup team vs Kiwis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Babalik uli ang mga Fil-Ams na sina Treat Huey at Ruben Gonzales para pamunuan ang Philippine Davis  Cup team na haharapin ang New Zealand sa Asia Oceania Zone Group II Finals sa Plantation Bay Resorts and Spa sa Lapu Lapu City, Cebu.

Sina Johnny Arcilla at Francis Casey Alcantara ay sasama uli sa koponan na maghahangad na madomina ang Kiwis sa torneong gagawin mula Setyembre 13 hanggang 15.

Ang New Zealand ay kakatawanin nina Michael Venus, Artem Sitak, Marcus Daniell at Daniel King Turner.

Ang mananalo sa tagisang ito ay aabante sa Group I sa susunod na taon habang mananatili sa grupo ang matatalo.

Nakapasok ang Pilipinas sa finals matapos talunin ang Syria, 3-2, at Thailand, 4-1, habang ang New Zealand ay nanalo sa Lebanon, 5-0, at Pakistan, 4-1.

Di hamak na mas matataas ang ranking ng Kiwis sa mga Filipino netters dahil sina Gonzales at Huey ang may singles rankings sa kanilang 1001 at 1138 habang sina Venus, Sitak at Daniell ay nasa 373, 447 at 590 sa mundo. Si King-Turner ay nasa 1290.

Ngunit ang homecourt advantage at suporta ng mga manonood ang mga aasahan ng Nationals para makuha ang panalo.

Angat ang Pilipinas sa New Zealand sa kanilang head-to-head matapos manalo ng tatlo ang Nationals sa limang pagtutuos.

Pero noong 2009 pa huling  nanaig ang local netters na ginawa sa Philippine Columbian Association clay courts sa 4-1 pero bumawi ang Kiwis noong  2011  sa 5-0 sweep na ginawa sa kanilang lugar.

Sa Setyembre 12 gagawin ang draw ceremony habang ang opening singles ay sa Setyembre 13 lalaruin at ang unang game ay sa ganap na alas-4 ng hapon.

Ang doubles ay sa Setyembre 14 sa ganap na ika-6 ng gabi habang ang reversed singles ay sa Linggo itinakda at magsisimula ito sa ganap na alas-4 ng hapon.

 

vuukle comment

ANG NEW ZEALAND

ARTEM SITAK

ASIA OCEANIA ZONE GROUP

DANIEL KING TURNER

FRANCIS CASEY ALCANTARA

GROUP I

LAPU LAPU CITY

MARCUS DANIELL

NEW ZEALAND

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with