PSC magbibigay ng cash incentives kung...
MANILA, Philippines - Nakadepende sa sobrang pera ng PSC ang pagbibigay ng insentibo sa mga atleta na mananalo sa mga palarong hindi sakop ng Incentives Act.
Ito ang nilinaw ni PSC chairman Ricardo Garcia matapos magbigay ng P1.8 milyon insentibo sa mga nanalo ng medalya sa sinalihang Asian Indoor-Martial Arts Game, Asian Youth Games, Asian Junior Wushu Championship at FIBA Asia Men’s ChamÂpionship kamakailan.
“Walang pera ang PSC at ang mga natitipid namin buhat sa mga belt-tightening measures ang siyang ginamit namin para magbigay ng incentives. Pero sa ipinasang board resolution sa bagay na ito ay malinaw din na nakasaad na hindi ito regular naming gagawin at nakadepende kung may sobrang pera. Kaya hindi ito puwedeng gamitin bilang precedent,†wika ni Garcia.
Base sa Incentives Act, ang mga torneo tulad ng SEA Games, Asian Games at Olympics bukod pa sa mga Asian at World Championships na ginagawa tuwing apat na taon lamang ang may karampatang inÂsentibo sa pamahalaan.
Inihayag din ni Garcia na hindi rin dapat ituring na savings ang perang naiipon ng ahensya tulad ng akala ng iba.
“May mga nagsasabi na marami kaming pera dahil may savings kami. Pero hindi ito dapat ituring bilang saÂvings dahil ang perang ito ay dahil sa mga ginawa naÂming hakbang para makatipid at para kung mangailangan kami ay mayroon kaming makukuha,†paliwanag pa ni Garcia.
Nasa P1 milyon ang ibinigay ng PSC sa National men’s basketball team na nanalo ng pilak sa FIBA Asia na ginawa sa bansa habang ang mga gold medalists sa ibang kompeÂtisyon ay tumanggap ng tig- P75,000.00.
- Latest