Djokovic, Williams kumikikig pa sa US Open
NEW YORK--Tinalo ni world number one Novak Djokovic, ang six-time Grand Slam champion mula sa Serbia, si 43rd-ranked Marcel Granollers ng Spain, 6-3, 6-0, 6-0, patungo sa quarterfinal round ng US Open.
Makakaharap ni DjoÂkovic, nakamit ang 2011 US Open title, sa quarters si Russian 21st seed Mikhail Youzhny, isang two-time US Open semifinalis, na tumalo kay Australian Lleyton Hewitt sa limang sets.
Hangad ni Djokovic ang kanyang ikaapat na sunod na US Open finals.
Maaaring makatapat ni Djokovic sa semis si Andy Murray at si Rafael Nadal sa finals.
Sa women’s division, umabante si defending champion Serena Williams sa semifinals matapos doÂminahin si 18th seed Carla Suarez Navarro ng Spain, 6-0, 6-0.
Makakatapat ni Williams sa semifinals si Chinese fifth seed Li Na, ang 2011 French Open champion, na umiskor ng 6-4, 6-7 (5/7), 6-2 tagumpay kontra kay Russian 24th seed Ekaterina Makarova.
Ang French Open champion na si Williams ay may 8-1 record laban kay Li.
Nakapasok naman sa quarterfinals si Belarus second seed Victoria Azarenka, ang two-time Australian Open winner, matapos talunin si Serbian 13th seed Ana Ivanovic, 4-6, 6-3, 6-4, sa larong nakansela noong Lunes dahil sa malakas na pag-ulan.
- Latest