Altas sumalo sa 2nd: Tinakasan ang Chiefs
Laro sa Huwebes
(The Arena, San Juan)
4 p.m. SSC vs EAC
6 p.m. Lyceum vs Letran
MANILA, Philippines - Sumandal ang Altas mula sa isang offensive rebound at dalawang free throws ni Harold Arboleda sa natitirang 6.3 segundo sa final canto para sumosyo sa ikalawang posisyon at paÂlakasin ang kanilang tsansa sa Final Four.
Tinalo ng Perpetual Help ang Arellano University, 82-80, tampok ang 26 points, 12 rebounds at 4 assists ni Nigerian import Nosa Omorogbe sa second round ng 89th NCA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tumapos si Arboleda na may 9 markers sa ilalim ng 14 ni rookie Juneric Baloria at 11 ni Scottie Thompson.
Nauna nang binigo ng Altas ang Chiefs, 73-66, sa first round noong Hulyo 18.
Tumabla ang Perpetual sa three-time champions San Beda College sa ikalawang puwesto mula sa magkatulad nilang 8-2 baraha sa ilalim ng Letran College (9-1) kasunod ang Jose Rizal (5-4), San Sebastian (4-5), Emilio Aguinaldo College (4-5), St. Benilde (3-5), Lyceum (3-6), Arellano (3-7) at Mapua (1-9).
Kinuha ng Altas ang 77-70 abante mula sa isang three-point shot ni Joel JoÂlangcob sa 4:24 ng fourth quarter kasunod ang 8-1 atake nina Prince Caperal, Levi Hernandez at Adam Jacob Serjue para ibigay sa Chiefs ang 80-78 bentahe sa 2:13 nito.
Matapos ang dalawang free throws ni Arboleda na nagtabla sa Perpetual sa 80-80 sa huling 1:55 ng laro, nabigo naman ang Arellano na makaiskor.
Natawagan ng offensive foul si Keith Agovida sa huÂling posesyon ng Chiefs sa nalalabing 26.8 segundo na nagresulta sa timeout ng Altas.
Mula sa kapos na 3-point attempt ni Omorogbe at nasikwat ng 6-foot-2 na si Arboleda ang offensive board.
Ang foul ni Ralph Salcedo sa natitirang 6.3 segundo ang naghatid kay Arboleda sa free throw line na kalmado niyang isinalpak para sa 82-80 iskor na nagselyo sa panalo ng Altas.
Perpetual 82 -- Omorogbe 26, Baloria 14, Thompson 11, Arboleda 9, Alano 9, Jolangcob 6, Elopre 3, Dizon 2, Bitoy 2, Oliveria 0, Ylagan 0,
Arellano 80 -- Agovida 17, Hernandez 16, Caperal 14, Pinto 12, Nicholls 5, Salcedo 4, Bangga 4, Serjue 4, Jalalon 3, Gumaru 1, Cadavis 0.
Quarterscores: 21-19; 40-39; 59-53; 82-80.
- Latest