PNP, Judiciary maglalaglagan sa itaas
Laro Ngayon
( Pasig Sports Center )
2:30 p.m. DOJ vs Congress-LGU
4:00 p.m. MMDA vs AFP
5:30 p.m. Judiciary vs PNP
MANILA, Philippines - Paglalabanan ng PhiÂlippine National Police at Judiciary ang liderato sa 1st UNTV Cup na magbabalik-aksyon ngayong hapon sa Pasig Sports Center sa Pasig City .
Sa huling laro dakong alas-5:30 matutunghayan ang tagisan at ang manaÂnalo ay lalapit pa sa hangad na awtomatikong puwesto sa Final Four na ibibigay sa mangungunang dalawang koponan.
Napahinga sa laban noong nakaraang linggo, tiyak na puno ng enerhiya na sasalang ang PNP upang maisulong ang maliÂnis na karta na ngayon ay nasa 3-0 baraha.
Hindi naman padadaig ang Judiciary na may tatlong sunod na panalo matapos matalo sa unang laro.
Sina Don Camaso, Ariel Capus at John Hall ang mga magtutulong para sa Judiciary habang ang shooter na si Olan Omiping ang babandera sa PNP.
Unang laro sa alas-2:30 ng hapon ang pagkikita ng Congress-LGU at Department of Justice bago sundan ng tipanan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Armed Forces of the Philippines (AFP) dakong alas-4.
Ang mga larong ito ay handog ng Breakthrough and Milestones Productions International (BMPI) Inc.sa pangunguna ni CEO at Chairman Daniel Razon at mapapanood din ito ng live sa UNTV Channel 37.
- Latest