Knights kumapit pa ng mahigpit
Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
4 p.m. Perpetual Helpvs Arellano
6 p.m. Jose Rizal vs St. Benilde
MANILA, Philippines - Humugot ng walo sa kanyang 13 points si rookie John Jovit Tambeling sa fourth quarter para pagbidahan ang 77-70 panalo ng Letran College kontra sa bumubulusok na Mapua para patuloy na pangunahan ang 89th NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Sapat na ang naturang pamamayani ng 20-anyos na tubong Misamis Oriental na si Tambeling para makuha ng Knights ang kanilang pang-siyam na panalo.
Itinaas ng Letran ang kanilang kartada sa 9-1 kasunod ang three-time champions San Beda (7-2), Perpetual (6-2), Jose Rizal (5-4), San Sebastian (4-5), Emilio Aguinaldo College (4-5), St. Benilde (3-5), Arellano (3-6), Lyceum (3-6) at Mapua (1-9).
Hindi na natapos ni Tambeling ang laro matapos mapatalsik bunga ng paniniko kay Darrel Dave Magsigay ng Cardinals sa 7:12 sa final canto.
Umiskor si Kevin Racal ng mga season-highs na 23 points at 10 rebounds para banderahan ang Knights.
Sa pamumuno nina Kenneth Ighalo, Mark Brana at Joseph Eriobu ay nakuha ng Mapua ang unang tatlong yugto ng laro, ang huli ay sa third period, 56-54.
Matapos agawin ang 58-56 abante sa nasabing bahagi, nagsalpak si Tambleing ng dalawang three-point shots para ilayo ang Letran sa final canto.
Nagdagdag si 6-foot-7 Raymond Almazan, buÂmabandera sa MVP race matapos ang first round, ng 16 markers para sa Knights.
Pinangunahan naman nina Ighalo at Brana ang Cardinals mula sa kanilang 19 at 15 points, ayon sa pagkakasunod, habang may 13 si Eriobu. (RC)
Letran 77 -- Racal 23, Almazan 16, Tambeling 13, Cruz 6, Ruaya 4, Nambatac 4, Buenaflor 4, Gabawan 3, Castro 2, Belorio 2, Po 0.
Mapua 70 -- Ighalo 19, Brana 15, Eriobu 13, Biteng 7, Magsigay 6, Gabo 4, Isit 3, Layug 2, Cantos 1, Estrella 0.
Quarters: 17-20; 37-40; 58-56; 77-70.
- Latest