Bulldogs nanakmal: Ipinagpag ang Warriors
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
2 pm FEU vs UST
4 pm Ateneo vs La Salle
MANILA, Philippines - Nagising si Emmanuel Mbe sa huling yugto para trangkuhan ang 81-73 panalo ng NU sa UE sa 76th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si Mbe bitbit ang 18 puntos bukod sa 11 rebounds at walo rito ay kanyang ibinagsak sa puntong dumikit ang Warriors sa 57-59, may pitong minuto sa orasan.
Bagamat wala sina Charles Mammie at Lord Casajeros ay pinakaba pa rin ng Warriors ang Bulldogs ngunit sadyang malaki ang agwat ng height ni Mbe sa mga locals ni coach David Zamar para bumitiw din sa huli,
Hindi nakapaglaro ang 6’8 na si Mammie at Casajeros dahil sa mga unsportsmanlike fouls na nakita ni league commissioner Chito Loyzaga sa laro ng UE at FEU.
“We knew that UE would be motivated. At some part of the game, I felt we lost our composure. But the good thing about this team is they love to talk with each other, they managed to regain back their composure,,†wika ni Bulldogs coach Eric Altamirano.
Ito ang ikalimang sunod na panalo ng Bulldogs para saluhan na ang pahingang FEU sa liderato sa 8-3 baraha.
Si Bobby Ray Parks ay mayroon ding 18 puntos bukod sa 10 rebounds habang si Robin Rono ay may tatlong tres tungo sa 12 puntos.
Gumawa rin ng mahahalagang puntos sina Gelo Alolino at Glenn Khobuntin at ang NU ay nagkaroon ng 32 bench points laban sa 17 lamang ng Warriors.
Ininda rin ng UE ang 10 puntos lamang, dalawa sa huling yugto ni Roi Sumang para bumaba sa 5-5 baraha.
Dinurog naman ng AdamÂson ang UP, 67-53, sa unang laro para putulin ang anim na sunod na pagkatalo tungo sa 4-8 baraha.
Matapos ang laro ay inihayag ni Falcons coach Leo Austria na hindi na siya babalik sa koponan sa papasok na season dahil nawalan na ng pagtitiwala ang institusyon sa kanyang kakayahan na mag-coach.
Ang UP ay nalaglag sa ika-sampung pagkatalo sa larong ito.
AdU 67 - Sewa 18, Cabrera 17, Rios 16, Trollano 11, Inigo 4, Monteclaro 1, Petilos 0, Ochea 0, Brondial 0, Agustin 0.
UP 53 - Soyud 17, Marata 8, Lao 8, Asilum 7, Desiderio 4, Ball 4, Wong 2, Pascual 2, Ligad 1, Suarez 0.
Quarterscores: 20-14, 35-24, 46-38, 67-53.
NU 81 - Mbe 18, Parks 18, Roño 12, Villamor 6, Rosario 6, Javillonar 6, Porter 4, Khobuntin 4, Alolino 3, Javelona 2, Alejandro 2.
UE 73 - Noble 16, Olivares 15, Sumang 10, Javier 10, Jumao-as 8, Sumido 6, Santos 5, Olayon 2, Alberto 1.
Quarterscores: 16-14; 41-31; 52-49; 81-73.
- Latest