^

PSN Palaro

Davao tuloy sa pagmina ng ginto sa pool, 6 golds kay Cambronero

Pilipino Star Ngayon

TAGUM City, Philippines--Napagtagumpayan ni swimmer Samantha Cambronero ang pinangarap na manalo ng anim na ginto para magpatuloy ang pamamayagpag ng Davao City sa idinadaos na Mindanao qualifying leg ng 2013 Batang Pinoy Games.

Nagtagumpay si Cambronero sa girls’13-15 200m individual medley at 100m breast stroke habang si Fritz Jun Rodriguez ay kumawala ng limang ginto tampok ang panalo sa boys’ 12-under 50m freestyle at 100m backstroke sa pagtatapos ng pool events kahapon.

Sa kabuuan, ang Davao City ay kumulekta ng 29 ginto para magkaroon na ang delegasyon ng 49 ginto bukod pa sa 40 silver at 26 bronze medals.

Kuminang din ang mga judokas at jins ng nasabing delegasyon matapos magtambal sa 13 gintong medalya.

Ang mga nanalo sa judo ay sina James Ryan (-73kg), Andre Teguin (-55kg), at Chino Tancontian (-50kg) sa boys’ at sina Sydney Tancontian (-70kg), Charrisse Aseneta (-52kg), Steffany  Calamba (-44kg) at Jhanen Marcos (-40kg) sa kababaihan.

Sina Jasa Jane Tevar (middleweight), Patricio Jhoy Villejo (heavy), Patricia Anne Go (fly), Enrico Fronteras (welter), Jay Lourd Malisa Jr. (heavy) at Jomar Carolino (bantam) ang mga nagdomina sa taekwondo.

Ang General Santos City ang nananatiling nasa ikalawang puwesto sa 33-23-19 medal tally bago sinundan ng Iligan City (9-16-11) at host Davao del Norte (8-6-20).

Ang mga lifters ng Zamboanga City at Zamboanga Sibugay ay nagsanib sa pitong ginto sa weightlifting para patunayan na sa kanilang lugar nagmumula ang mga matitikas na lifters ng bansa.

vuukle comment

ANDRE TEGUIN

ANG GENERAL SANTOS CITY

BATANG PINOY GAMES

CHARRISSE ASENETA

CHINO TANCONTIAN

DAVAO CITY

ENRICO FRONTERAS

FRITZ JUN RODRIGUEZ

ILIGAN CITY

JAMES RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with