^

PSN Palaro

Venus sinibak ng Chinese netter

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Walang panapat si Venus Williams sa matibay na paglalaro ng 56th ranked  na si Zheng Jie ng China para lasapin ang 6-3, 2-6, 7-6(5) pagkatalo sa US Open noong Miyerkules sa Flushing Meadows.

Ito ang ikatlong sunod na taon na napatalsik ang ngayon ay 33-anyos na si Williams sa kompetisyon sa second round.

“If I didn’t think I had anything in the tank, I wouldn’t  be  here,” wika ni Williams, ang number one player noong 2002 pero nasa 60th ranked ngayon.

Ang laro ay umabot sa tatlong oras at dalawang minuto para pantayan ang ikalimang pinakamahabang laro sa US Open mula 1970.  Ang ikatlong set ay pahirapan dahil umabot ito ng isang oras at kalahati.

Sa pagkakatanggal sa kompetisyon, marami ang nagtatanong kung maibabalik pa ba ni Williams ang dating kinang ng paglalaro o handa na siyang magretiro.

Malinaw naman ang kanyang tugon na wala pa sa kanyang isipan ang tuluyang mamahinga sa sport. Pero hindi rin niya ipinapasok ang US Open na gagawin sa susunod na taon.

“I definitely want to come back for the atmosphere. I mean, next year’s Open is so far away right now,” ani ni Williams na may 44 unforced errors sa laro.

vuukle comment

FLUSHING MEADOWS

IF I

MALINAW

MIYERKULES

PERO

VENUS WILLIAMS

WALANG

ZHENG JIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with