^

PSN Palaro

Loyzaga nanindigan sa kanyang desisyon kina Mammie at Casajeros

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makatuwiran ang pag­pataw ng two-game suspension kina Charles Mammie at Lord Casajeros ng UE.

Ito ang binigyan-diin kahapon ni UAAP Commissioner Chito Loyzaga matapos isagawa ang pulong pambalitaan sa Smart Araneta Coliseum na kung saan ipinaliwanag ng opis­yal ang mga pangyayari na nagresulta para magkaroon na ng tig-tatlong unsportsmanlike fouls ang dalawang Warriors pla­yers na magreresulta sa awtomatikong two-game suspension.

Sa review ng tape sa laro ng UE at FEU noong Linggo na napanalunan ng Tamaraws sa double-overtime, nakita ni Loyzaga ang pananakit ni Mammie na hindi nakita ng mga re­ferees nang sadyang ipinailalim ng 6’8 Red Warriors center ang kanyang paa sa babagsakan ng paa ni Romeo matapos magpakawala ng 3-pointer.

Kasama sa pagsusuri sa tape ang anggulong  ga­ling sa tatlong bagong ca­meras na hiningi ni Loy­zaga sa UAAP upang isuporta sa mga cameras na gamit sa telebisyon, at dahil gustong manakit ni Mammie kaya’t pinatawan ni Loyzaga ito unsportsmanlike foul upang isama sa naunang dalawang naitawag na.

Sa kaso ni Casajeros, natawagan siya ng ikalawang USF sa laro pero ang isa ay hindi rin nakita ng mga referee nang suntukin umano niya si Romeo sa isang play.

Wala namang kaparusahan ang mga referees na hindi nakakita ng mga infractions na ito ngunit sinabon sila ni Loyzaga.

Puwede namang umapela ang UE sa nakatataas kay Loyzaga at handa umanong tanggapin  ng Commissioner sakaling baligtarin o pababain ang kanyang ipinataw na desis­yon.

 

vuukle comment

CASAJEROS

CHARLES MAMMIE

COMMISSIONER CHITO LOYZAGA

LORD CASAJEROS

LOYZAGA

RED WARRIORS

SHY

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with