^

PSN Palaro

Williams siblings, Nadal mainit ang simula sa US Open

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK--Pumasok si Venus Williams sa Day One ng 2013 US Open bitbit ang isang three-game winning streak sa limang Grand Slam tournaments.

Dinomina ng 33-anyos na si Williams si 12th-see­ded Kirsten Flipkens, isang semifinalist sa Wimbledon noong nakaraang buwan at tumalo kay Williams sa hard court ngayong bu­wan, sa bisa ng 6-1, 6-2 ta­gumpay.

Humataw si Williams ng mga service aces na may bilis na 120 mph bukod pa sa kanyang mga swinging volley winners para talunin si Flipkens at umabante sa second round sa Flushing Meadows.

Si Williams ay isang se­ven-time Grand Slam singles champion at pitong beses na naging runner-up.

Hindi pa nakakapasok si Williams, nanguna sa WTA rankings noong 2002, sa top 10 matapos maging No. 9 noong Marso ng 2011.

Sinimulan naman ni Se­rena Williams ang kanyang pagdedepensa mula sa isang 6-0, 6-1 panalo laban kay 2010 French Open champion Francesca Schiavone.

Tinalo naman ni Rafael Nadal, may 16-0 ngayong taon sa hard surface, si American Ryan Harrison, 6-4, 6-2, 6-2.

“It’s difficult to analyze now,” ani Nadal.

AMERICAN RYAN HARRISON

DAY ONE

FLUSHING MEADOWS

FRANCESCA SCHIAVONE

FRENCH OPEN

GRAND SLAM

KIRSTEN FLIPKENS

RAFAEL NADAL

SI WILLIAMS

VENUS WILLIAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with