^

PSN Palaro

African teams gustong ilaban ni Reyes sa Gilas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala pang kongkretong plano kung ano ang gagawin sa men’s basketball team na ipapadala sa 2014 FIBA World Cup sa Madrid, Spain.

Pero hindi ito manga­ngahulugan na hindi pa nag-iisip-isip si National coach Chot Reyes sa mga dapat niyang gawin sa ilalabang Pambansang koponan.

Si Reyes ay nasa Abid­jan, Cote d’Iviore para panoorin ang FIBA Africa Championship at napapa­hanga siya sa pagiging athletic ng mga Aftican teams na nagbabakbakan para sa puwesto sa FIBA World Cup.

Dahil dito, nakikita ni Reyes na magiging  maha­laga na masanay ang kuku­ning manlalaro laban sa mga malalaki at mabibilis na manlalaro kaya’t isa sa kanyang gagawin ay ang maka-tune-up ang  mga African teams bilang bahagi ng paghahanda sa 2014 event.

“Watching d Afro Basket games tells me 1 thing: this should be our next tune-up series: Tunisia, Angola, Nigeria, Cameroon, Cote d’Ivoire.

Ang Pilipinas ay makakalaro uli sa FIBA World Cup nang tumapos sila sa silver medal sa FIBA Asia Men’s Championship na ginawa sa Pilipinas mula Agosto 1 hanggang 11.

Tinalo ng Nationals ang Korea sa semifinals, 86-79, para makuha ng puwesto at mabalik ang Pilipinas sa prestihiyosong torneo sa mundo ng basketball na huling nangyari noong 1978 nang sa bansa gawin ang kompetisyon.

Yumukod ang Pilipinas sa Iran para hiranging kampeon ng FIBA Asia pero nakikita ni Reyes na mahihirapan din ang nasabing koponan sa mga African teams.

 

AFRICA CHAMPIONSHIP

AFRO BASKET

ANG PILIPINAS

ASIA MEN

CHOT REYES

PILIPINAS

REYES

SI REYES

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with