Isa pang silver inihabol ni Mendoza sa Pinas
NANJING--Hindi kinaya ni Jurence Mendoza na mapanatili ang magandang panimula sa first set nang isuko niya ang 7-6 (4), 5-7, 5-7, pagkatalo laban kay Ly Hoang Nam ng Vietnam sa finals ng tennis sa 2nd Asian Youth Games kahapon sa Tennis Academy dito.
Pumasok si Mendoza sa gold medal bout nang kanyang kalusin sa three sets si Garvit Batra na isang Independent Olympic Athlete dahil ang bansang sinilaÂngan na India ay suspindido ng IOC.
Si Ly ay nakapasok naman sa finals sa pamamagitan ng 7-5, 7-6(2) laban kay Dmitriy Popko ng KazakhsÂtan.
Mas liyamado si Mendoza dahil siya ang seÂcond seed sa kanyang 89th ranÂking kumpara kay Ly na fourth seed sa kanyang 142nd ranking sa mundo.
Pero matapos matalo sa unang set ay hindi nawalan ng loob ang Vietnamese player at kinapitalisa ang mga errors ni Mendoza tungo sa gintong medalya.
Ito ang magiging ikatlong silver medal ng Pilipinas upang isama sa dalawang ginto para malagay pansamantala sa ika-12th puwesto sa mga bansang sumali sa kompetisyon na nagkamedalya.
Ang mga gintong meÂdalya ay naihatid ng golfer na si Mia Legaspi at taekÂwondo jin Pauline Lopez habang ang dalawa pang pilak ay ibinigay ni lady golfer Mia Legaspi at jin Francis Agojo.
Ang host China ang siyang lalabas na number one matapos magkaroon na ng 45 ginto, 23 pilak at 22 bronze medals habang ang Korea ang malayong nasa ikalawang puwesto sa 19-10-14, may ilang events na lamang ang nalalabi sa huling araw ng kompetisyon.
Nakaangat sa hanay ng mga South East Asia ang Thailand, Singapore, Vietnam at Malaysia matapos magkaroon ng mas maÂraming ginto kumpara sa Pilipinas.
Ang Thailand ay may 6-15-14, ang Singapore ay mayroong 5-10-6, ang Vietnam ay mayroong 4-4-2 at ang Malaysia ay mayroong 3-5-6 medal count.
Ang naitalang medal output ng Pilipinas ang pinaÂkamataas sa dalawang edisyon ng AYG dahil isang pilak at isang bronze meÂdals lamang ang naiuwi ng Pambansang delegasyon na sumali noong 2009 sa Singapore.
- Latest