Galedo tumibay ang kapit sa top 10 sa Tour de Borneo
MANILA, Philippines - Nanatili pa rin ang kapit ni Mark Galedo ng 7 EleÂven-Roadbike Phl sa top ten overall matapos ang Stage Four ng Tour de Borneo 2013 noong MiyerÂkules sa Sabah, Malaysia.
Nagawang tumapos ni Galedo sa ika-sampung puwesto sa karera na piÂnagÂÂlabanan sa 147.1 kilometro mula Kota Kinabalu hangang Kundasang.
May apat na oras, 44 minuto tiyempo si Galedo pero kinapos siya ng 12.09 minuto sa stage winner na si Ghader Iranagh Mizbani ng TPT.
Ang nakuhang tiyempo ay nagtulak kay Galedo na mahawakan ang 15 oras, 28 minuto at 37 segundo kabuuang oras papasok sa huling lap noong Huwebes.
Siya ngayon ang nasa ika-sampung puwesto at kakailanganin niya ang malakas na pagtatapos para huwag bumaba pa ng puwesto.
Si Galedo ay nasa ikaÂpitong puwesto sa overall matapos ang Stage Three.
Ang iba pang Filipino riders ay nalaglag na sa top ten at si Junrey Navarra ng LBC-MVP Sports Foundation Cycling Pilipinas ang ikalawang best performer ng bansa matapos malagay sa ika-14th puwesto (15:32:11).
Si Navarra na nanguna pa sa King of the Mountain matapos ang unang dalawang laps ay nahubaran na rin ng red jersey matapos kunin ni Mizbani ang dalawang KOM na pinagÂlabanan sa Stage Four.
- Latest