UAAP badminton, beach volley opening iniurong
MANILA, Philippines - Iniurong ng UAAP ang opening ng mga larong badminton at beach volleyball sa Agosto 31.
Ang dalawang events ay dapat sana magsisiÂmula na sa Sabado pero kinailangang iatras dahil sa pinsala ng venues na gagamitin dulot ng walang tigil na pag-ulan at pagbaha na hatid ng Habagat nitong mga nakaraang araw.
Ang UE sand courts pa rin ang siyang pagdaÂrausan ng aksyon sa beach volleyball pero hinahanapan pa ng bagong palaruan ang sa badminton dahil binaha ang PSC Badminton Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.
Itinalaga ang National University bilang host ng badminton na kung saan ang men’s defending chamÂpion ay ang Bulldogs habang ang Ateneo ang kampeon sa kababaihan.
- Latest