^

PSN Palaro

Mapua, EAC mag-uunahan sa panalo

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

6 p.m. Mapua vs EAC

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Gene­rals ang kanilang tsansa sa Final Four, samantalang hangad naman ng Car­dinals na makawala sa ka­malasan.

Nakatakdang labanan ng Emilio Aguinaldo College ang Mapua ngayong alas-6 ng gabi sa elimination round ng 89th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Nanggaling ang Ge­nerals sa 79-63 paglampaso sa Arellano Chiefs sa kanilang huling laro noong Sabado, habang kasalukuyang nasa isang seven-game losing slump ang Cardinals.

Kasalukuyang magkasalo sa liderato ang Letran College at ang three-time champions San Beda College mula sa magkatulad nilang 7-1 kartada kasunod ang Perpetual Help (6-2), Jose Rizal University (5-3), San Sebastian College (4-4), EAC (3-5), College of St. Benilde (3-5), Arellano  2-6), Lyceum (2-6) at Mapua (1-7).

Posibleng labanan ng Generals ni Gerry Esplana ang Cardinals ni Atoy Co na wala si bigman Sydney Onwubere ng makipag-away kay Fil-Canadian James Forrester ng Chiefs matapos ang kanilang laro.

Sinabi ni NCAA Commissioner Joe Lipa na rerebyuhin pa niya ang na­sabing laro ng EAC at Arellano bago magdesis­yon kung papatawan ng suspensyon sina Onwubere at Forrester. (RC) )

vuukle comment

ARELLANO

ARELLANO CHIEFS

ATOY CO

COLLEGE OF ST. BENILDE

COMMISSIONER JOE LIPA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FIL-CANADIAN JAMES FORRESTER

MAPUA

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with