RTU bugbog sa St. Clare
MANILA, Philippines - Kinuha ng nagdedepenÂsang kampeon na St. Clare College-Caloocan ang ikalawang sunod na panalo nang pataubin ang Rizal Technological UniverÂsity, 71-53, sa 13th National Athletic Association of Schools,Colleges and Universities (NAASCU) seniors basketball noong Linggo sa Centro Escolar University-Manila Gym.
Si guard Bong Managuelod ay gumawa ng 14 puntos habang sina Marte Gil at Jayson Ibay ay nagdagdag ng 13 at 11 puntos para sa Saints na kumawala sa ikalawang yugto tungo sa tagumpay.
May 17 puntos si Reneil Montecillo para balikatin ang baguhang Blue Thunder na nalaglag sa 1-2 karta.
Patuloy naman ang paÂngunguna ng CEU Scorpions nang tusukin ang ikatlong dikit na panalo sa City University of Pasay, 96-49, sa isa pang laro.
Naunang nakalayo ang Eagles, 8-3, pero nagpaÂkawala ng 11-2 bomba ang Scorpions para kunin ang 14-10 kalamangan.
Nagtuwang pa sina Samboy de Leon at Joseph Celso para ibigay sa Scorpions ang pinakamaÂlaking kalamangan sa laro na 89-42.
Nagwagi rin ang Our Lady of Fatima University sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), 79-69, sa ikatlong seniors game.
Nagdaos din ng aksyon sa juniors at namayani ang CEU sa New Era, 83-41, habang nagwagi ang Our Lady of Fatima sa St. Clare, 59-47.
- Latest