^

PSN Palaro

SBP inendorso ang women’s team para mapasama sa Myanmar SEA Games

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginawa na ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang dapat gawin para bigyan ng pagkakataon ang women’s basketball team na makasama sa SEA Games sa Myanmar sa Disyembre.

Inendorso na ng SBP ang koponang hawak ni national coach Haydee Ong at suportado ng Discovery Suites sa Task Force SEA Games para maikonsidera sila sa binu­buong Pambansang de­legasyon.

“Inendorso na namin ang team sa SEA Games Task Force. Kung ano ang sunod na mangyayari ay hindi na namin hawak  ito,” wika ni SBP executive direc­tor Sonny Barrios.

Naunang hindi inendorso ng SBP ang women’s team dahil sa naunang criteria ng mga sports bodies na Philippine Sports Commission (PSC)  at Philippine Olympic Committee (POC) na tanging ang mga gold medal potentials lamang ang puwedeng isama sa Pambansang delegasyon.

Pero binigyan ng pagkakataon ng POC at PSC ang ibang teams o indibidwal na atleta na mapasama sa koponan kung mapapatunayan na karapat-dapat base sa ipakikitang laban sa mga kampanyang sasa­lihan bago idaos ang Myanmar Games.

May posibilidad na masama ang women’s cage team pero malamang na pondohan nila ang sarili tulad ng balak gawin sa men’s at women’s football teams para makatipid ng gastusin ang pamahalaan.

Ang Pilipinas ay nanalo ng pilak sa 2011 Indonesia SEAG nang natalo sa overtime sa Thailand na siyang nanalo ng ginto.

Sa ngayon ay sasailalim sa tatlong bansang kompetisyon ang women’s team na gagawin sa Naga City para maipakita ang kanilang kalidad.

 

ANG PILIPINAS

DISCOVERY SUITES

GAMES TASK FORCE

HAYDEE ONG

INENDORSO

MYANMAR GAMES

NAGA CITY

PAMBANSANG

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with