Matamlay ang panimula ng AYG athletes
NANJING--Naipanalo ang dalawa sa tatlong laro sa badminton, ngunit dalawang atleta naman ang nabigo sa judo sa unang araw ng 2nd Asian Youth Games.
Natalo si Lea Inlayo sa first set laban kay Cambodian Pichchoravy Ker ngunit bumuwelta naman sa sumunod na dalawang laban para kunin ang 14-21, 21-9, 21-8 panalo sa Nanjing Sports Institute Gym.
Natalo naman si Alvin Morada kay Minoru Koga ng Japan, 21-13, 21-18, mula sa kanyang mga errors.
Matapos ito, nagtuwang sina Inlayo at Marky Alcala para manalo sa mixed doubles kontra kina Peoples Republic of Korea bets Kumsong Ri at Unjong Kim, 21-5, 21-9.
Kung dalawang panalo ang naitala ng mga Pinoy sa badminton, taliwas naman ito sa judo.
Natalo si Miam Salvador kay O Son Hui ng Korea via Waza-Ari with Ketsa-gatame sa 01:24 sa girls’ minus 44 kg, habang yumukod si Floyd Derek Rillera kay Ahmed Aburumaila ng Palestine sa 4:00.
Tanging sina Renzo Cazenas at Jann Ken Raquepo ang naiwang panlaban ng bansa sa judo.
Natalo rin si weightlifter Elien Rose Perez matapos pumang walo sa girls’ 48 kg mula sa kanyang mga buhat na 55-55-60 sa snatch at 70 sa clean and jerk para sa 130 kg total.
Inangkin ni Jang Huihua ng China ang gold medal mula sa kanyang 83 sa snatch at 100 sa clean and jerk para sa 183 total.
- Latest