AYG athletes sasabak na sa aksyon
NANJING--Kabuuang 54 atleta ang ilalahok ng Pilipinas para sa ikalawang Asian Youth Games na maÂÂkikipagsabayan sa mga atleta ng 43 pang bansa.
Imbes na gamitin ang isang 62,000 Olympic Stadium, ang opening at closing ceremony ay idaraos sa city gymnasium.
Tanging 11 sa mga Filipino athletes kasama si chef-de-mission Tac Padilla ang makakasama sa parada ngayong alas-5 ng hapon.
“We support simplicity,†sabi ni Ji Jianye, ang chief ng organizing committee para sa 2nd AYG na iniÂlunsad sa Singapore noong 2009.
Ang AYG ay para sa mga atletang may edad na 14 hanggang 17-anyos.
“We consider this a very good exposure for our young athletes because here they will face quality opponents whom they will go up against in the future,†wika ni Padilla.
Noong 2009, kumuha ang Philippine team ng isang silver medal sa woÂmen’s jaÂvelin mula kay SteÂphanie Cimato at isang bronze medal sa bowling (masters) galing kay Colins Jose.
Lalahok ang mga Filipino athletes sa athletics, badminton, basketball (3-on-3), fencing, golf, judo, rugby, shooting, swimming, tennis, table tennis, taekwondo at weightlifting.
- Latest