Mga bigating volleybelles papalo sa Shakey’s V-League Open
MANILA, Philippines - Ilang pinakasikat na players sa Shakey’s V-League sa unang 10 taon ang makikita sa aksyon sa Open Conference na magbubukas sa Agosto 18 sa The Arena sa San Juan City.
Walong koponan ang sasabak sa torneo sa panguÂnguna ng Army at Smart-Maynilad bukod pa sa Cagayan Province, Meralco, Air Force, Navy, Philippine National Police at Far Eastern U.
Sina Nene Bautista, MJ Balse, Rachel Anne Daquis at Michelle Carolino ang babandera sa star-studded na Army squad, nagkampeon sa komperensya noong 2011 kung saan hinirang si Daquis bilang Finals MVP.
Itatampok din ng lady Troopers sina Patricia SIatan-Torres, Genie Sabas, Joanne Buñag, Marietta Carolino, Jacqueline Alarca, Cristina Salak, Jovelyn Gonzaga, Dahlia Cruz, Angela Nuñag, at Ma. Therea Iratay.
Maglalaro naman para sa Smart-Maynilad sina daÂting Ateneo stars Alyssa Valdez, Sue Roces and Charo Soriano. Add Maru Banaticla, Melissa Gohing, Mica Guliman at Gretchel Soltones katuwang sina top setters Rubie de Leon at Jem Ferrer.
Ang Cagayan Province, tumapos na runner-up sa nagkampeong San Sebastian-Sandugo, ay pamunmunuan nina dating UST aces Aiza Maizo at Angeli Tabaquero katulong sina Angelique Dionela, Rosemarie Vargas, Leuseht Dawis, Sandra de los Santos, Joy Benito, Wenneth Eulalio, Kannika Thipachot at ace setter Relea Saet.
Ang mga nakaraang conference at finals MVP na sina Maureen Penetrante-Ouano (Meralco), Rhea Dimaculangan (Air Force), Ferrer at De los Santos ang magpapakinang sa komperensya.
- Latest