^

PSN Palaro

Batang Pier ibinandera sa panalo Cummings nagpasikat agad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m. Talk ‘N Text

vs Barako Bull

7:30 p.m. Meralco

vs Petron

 

MANILA, Philippines - Binuksan ng Batang Pier ang kanilang kampanya sa 2013 PBA Governor’s Cup mula sa isang malaking panalo.

Nagtayo ng isang 17-point lead sa second period, hindi na nilingon pa ng Globalport ang Air21 para kunin ang 101-94 panalo kagabi sa MOA Arena sa Pasay City.

Bumandera si import Markeith Cummings para sa Batang Pier mula sa kinolektang 37 points, 11 rebounds at  3 steals sa kanyang de­but game sa PBA.

“He’s young. He’s very hardworking, that’s given. There’s not so much noise and I’m sure teams will be prepared for him,” ani coach Junel Baculi kay Cummings na humugot ng 14 markers sa first period at 10 sa fourth quarter.

Kaagad na kinuha ng Globalport ang 16-8 bentahe sa first period bago ibaon ang Air21 sa pamamagitan ng isang 17-point lead, 47-30, sa 5:46 ng second quarter.

Sa nasabing arangkada ay tumipa sina Cummings at Jaypee Belencion ng tig-isang three-point shot katuwang sina Jay Washington, Sol Mercado at Willie Miller patungo sa kanilang 78-68 abante sa pagtatapos ng third canto.

Isang split ni Marvin Ha­yes ang nagbigay sa Batang Pier ng 16-point advantage, 96-80, sa 5:24 ng fourth period.

Huling naibaba ng Express ang naturang kalamangan sa 94-101 buhat sa isang 3-point play ni balik-import Zach Graham sa nalalabing 14.5 segundo.

Nagdagdag si Wa­shington ng 15 points para sa Globalport kasunod ang 14 ni Belencion, naglista ng 4-of-9 shooting sa 3-point range, at 10 ni Miller.

Pinangunahan naman ni Graham ang Air21 mula sa kanyang 31 markers at 10 boards, samantalang nag-ambag si Niño Cana­leta ng 19 points kasunod ang 13 ni Mark Isip.

Samantala, ipinarada naman sa halftime ng PBA ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas na kumuha ng silver medal sa katatapos na 27th FIBA-Asia Men’s Championships.

Globalport 101 - Cummings 37, Washington 15, Belencion 14, Miller 10, Lingganay 8, Mercado 8, Hayes 6, Salvador 2, Yee 1, Buensuceso 0, taha 0, Nabong 0, Alonzo 0.

Air21 94 - Graham 31, Canaleta 19, Isip 13, Menor 9, Sharma 8, Arboleda 7, Sena 2, Custodio 2, Cortez 2, Omolon 1, Manuel 0.

Quarterscores: 24-20; 53-42; 78-68; 101-94.

ASIA MEN

BARAKO BULL

BATANG PIER

BELENCION

GILAS PILIPINAS

GLOBALPORT

JAY WASHINGTON

JAYPEE BELENCION

JUNEL BACULI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with