Davao tiniyak ang seguridad sa hosting ng Batang Pinoy
MANILA, Philippines - Tuluy na tuloy ang pagdaraos ng Batang Pinoy sa Tagum City sa Davao del Norte mula Agosto 27 hanggang 31.
Sa panayam kay PSC chairman Ricardo Garcia, inihayag niya na mismong si Governor Rodolfo del Rosario ang nasasabik sa hosting ng kompetisyon na bukas para sa mga batang atleta na edad 15-pababa.
“The Tagum Governor is excited fo the hosting of the games. Even the security is in place,†wika ni Garcia.
Naunang nalagay sa alanganin kung itutuloy ang unang leg sa 2013 Batang Pinoy matapos ang pambobomba sa iba’t ibang lugar sa Mindanao nitong mga nakaraang araw.
Ito ang opening leg ng Batang Pinoy at magsisilbi bilang Mindanao QualifÂying Leg.
Nilinaw din ni Garcia na walang sinisingil ang nag-oorganisa ng torneo na PSC ng entry fee dahil ito ay libre at bukas sa lahat.
“May mga naririnig kaming balita na may mga naniningil na entry fee. Wala tayong sinisingil at ang pondo ng Batang Pinoy ay mula sa PSC. Ang nais namin ay mas maraÂming sumali na mga batang atleta kaya’t libre ito,†paglilinaw ni Garcia.
Matapos ang Mindanao Leg ay lilipat ito sa Maasin City, Southern Leyte para sa Visayas Qualifying Leg mula Setyembre 24 hanggang 28 habang ang Luzon Qualifying leg ay sa Iba, Zambales mula Oktubre 15 hanggang 19.
Ang mga mananalo sa tatlong regional qualifying ay aabante sa National Finals na itinakda sa Zamboanga City mula Nobyembre 19 hanggang 23.
Ang Batang Pinoy ang grassroots program ng PSC na ang layunin ay bigÂyan ng pagkakataon ang mga batang atleta na maipakita ang potensyal.
Ang mga may talento ay posibleng masasama sa national pool ng mga NSAs.
- Latest