China lumayo na sa kinubrang 8-gold: Pinas binigyan uli ni Omengan ng gold
MANILA, Philippines - Pinatotohanan ni AlieÂson Ken Omengan ang kanyang binitiwang salita na mananalo ng ginto sa individual events na sasalihan sa 7th Asian Junior Wushu Championship nang kunin ang unang puÂwesto sa Group A men’s nanquan na ginawa sa Makati Coliseum.
Noong Biyernes ng gabi pinaglabanan ang naÂsabing event at ang 15-anyos na tubong La Trinidad, Benguet ay naÂbigÂyan ng 9.33 puntos para daigin sina Chio Wai Keong ng Macau (9.24) at Bishal Thapa Sinjali ng Nepal (9.16).
Tatlong individual events ang sinalihan ni Omengan sa apat na araw na kompetisyong inorganisa ng Wushu FeÂderation of the Philippines (WFP) at may ayuda ng PSC, POC, DOT, PCSO, Standard Insurance, MVP Sports Foundation, Arrow shirts, Summit water at Burlington sock ngunit bigo siyang makapaghatid ng medalya sa nangun at nandao events.
“Ayos lang po at kontento sa aking ipinakita dahil kahit paano ay nakaÂpag-contribute ako sa team,†wika ni Omengan na nakasama sa walong wushu artists ng bansa na kuminang sa group event noong Huwebes.
Ito ang unang pagkaÂkataon na nasalang si Omengan sa mas mataas na 15-17 age group pero makakatulong umano ito sa kanya para magpursigi sa pagsasanay bilang paghahanda sa 2014 World Junior Championship sa Malaysia.
May dalawang pilak pa ang ibinigay ni Faith Liana Andaya sa events ng Group C women’s elementary changquan (9.06) at jianshu (9.05) habang si Christian Nicholas Lapitan ay may bronze medal sa Group C men’s elementary changquan (8.98).
Isama pa ang ginto ni Agatha Chrystenzen Wong noong Biyernes, ang Pilipinas ay mayroon ng tatlong ginto, tatlong pilak at isang bronze medal para malagay sa ikalimang puwesto sa medal standings.
Lumalayo ang China sa walong ginto at isang pilak habang ang mga kasunod ay ang Hong Kong (5-5-3), Macau (5-3-5) at Malaysia (3-3-5).
Tataas pa ang medalya ng host country dahil lima na ang nakapasok sa semifinals sa sanshou events.
Sina Thommy Aligaga (men’s 52kg) at Clemente Tabugara Jr. (men’s 56kg) ay nanalo kina Bahadur Vilyamusov ng Kyrgyzstan at Kyaw Kyaw ng Myanmar sa quarterfinals para samahan sina Vivine Wally (women’s 48kg), Vita Zamora (women’s 52kg) at Noel Alabata (men’s 48kg) na nakatiyak na ng bronze medals.
- Latest