^

PSN Palaro

Little League Softball World Series: Team Iloilo ‘di kinaya ang lakas ng Texas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa ikalawang sunod na kabiguan ang Iloilo Province sa Little League Softball World Series nang pataubin ng Robinson, Texas, 14-3, na ginawa kahapon sa Port­land, Oregon.

Sa unang dalawang innings lamang nakasabay ang koponang kumakatawan sa Asia-Pacific nang nakatabla sa 2-all matapos ang top of the second inning bago umararo ng hits at runs ang Texas para hawakan ang 14-2 bentahe.,

Sina Savanah Oliver, Harley Koerth, Rebeca Fajardo at Shelby Carter ang mga gumawa ng hits na nasabayan pa ng tatlong errors ng baguhang Ilongga team ang nagpalayo sa Texas sa ikalawang inning.

Sa kabuuan ay tumama ng siyam ang Texas laban sa tatlo lamang ng Iloilo na nagtala pa ng pitong errors kumpara sa dalawa lamang ng katunggali para kunin ang kanilang unang panalo.

Sunod na kaharap ng koponan mula Pilipinas na unang natalo sa New Jersey, 2-3, ay  ang Canada at dapat na nilang makuha ang tunay na laro para ma­natiling palaban sa titulo.

Ang New Jersey ang nangunguna sa Pool B sa 2-0 baraha habang ang Columbia ay may 1-1 at  0-1 ang Arizona.

Ang dalawang mangu­ngunang koponan sa Pool B ay sasamahan ng top two teams sa Pool  A sa crossover semifinals.

Hanap sana ng Iloilo na bigyan ng kulay ang laban ng Pilipinas sa torneo matapos ang  pagkatalo ng Manila South at Laguna sa Big League at Junior League.

Ang Manila ang siyang nagdedepensang kampeon sa Big League pero ininda nila ang pagkakaroon ng maraming rookies para magkaroon lamang ng isang panalo matapos ang apat na laro.

vuukle comment

ANG MANILA

ANG NEW JERSEY

BIG LEAGUE

HARLEY KOERTH

ILOILO

ILOILO PROVINCE

JUNIOR LEAGUE

LITTLE LEAGUE SOFTBALL WORLD SERIES

POOL B

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with