^

PSN Palaro

‘El Granada’ tuluyan nang pumutok

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang araw bago ang kanilang importanteng laro kontra sa Kazakhs­tan sa 27th FIBA-Asia Men’s Championship ay pinayagan ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes si Gary David na makauwi sa kanilang tahanan at makapiling ang kanyang pamilya.

Hindi na pinakawalan ni David ang naturang pagkakataon.

Ang lahat ng bagay na nagbigay sa kanya ng suwerte ay dinala niya pabalik sa tinitirhan ng Pilipinas na Dusit Hotel sa Makati City.

“Pag-uwi ko, talagang kinuha ko ‘yung mga bagay na nai-suot ko noong maganda ang laro ko. Na­ging kumportable ako,” wika ni David. 

Sa kanilang 88-58 pagpulbos sa Kazakhstan sa quarterfinal round noong Biyernes ng gabi, umiskor ang kamador ng Globalport ng 22 points mula sa matinding 7-of-11 fieldgoal shooting, kasama dito ang 4-of-6 clip sa three-point line.

Ito na ang pinakama­gandang inilaro ng 35-an­yos na si David sa natu­rang torneo matapos ang malamyang ipinakita sa first at second round ng eliminasyon.

Nagtala lamang ang tubong Dinalupihan, Bataan na si David, dating kinilala sa PBA bilang top local scorer sa 2011-2012 Philippine Cup matapos magposte ng mga ave­rages na 25 points, 3.8 rebounds at 2.4 assists, ng 2.6 points per game average sa kanyang anim na laro sa eliminasyon ng FIBA-Asia Cham­pionship.

“Malaking tulong talaga ‘yung nakasama ko pamilya ko, nakatulog ako ng isang oras sa sarili kong kama kasama pamilya ko,” ani David, naging biktima ng mga bashers sa online.

Nakatakdang la­banan ka­gabi ng Pilipinas ang Korea, tinalo ang Qatar, 79-52, sa semifinals.

 

ASIA CHAM

ASIA MEN

CHOT REYES

DUSIT HOTEL

GARY DAVID

GILAS PILIPINAS

MAKATI CITY

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with