^

PSN Palaro

Matapos madurog sa Taiwan sa Q’Finals: Greek coach ng China nanganganib masibak

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang kabiguan ng China na umabante sa semifinals sa 27th FIBA Asia Men’s Championship ay maa­aring ikaresulta sa pagtanggal kay Greek coach Panagiotis Giannakis.

Si Giannakis ay kinuha ng nasabing bansa noon lamang Abril para ibalik ang tikas ng China matapos ang kabiguang manalo ng isang laro sa London Olympics noong nakaraang taon.

 Ang nakaupong coach noon ng China ay si Bob Donewald ng US at agad siyang sinibak sa kanyang puwesto.

Ipinalalagay na ganito rin ang mangyayari sa ma­alamat na Greek coach matapos ang di impresibong ipinakita ng koponan na binulaga ng kabiguan sa South Korea sa unang laro  at nasundan ng pagyuko sa Iran sa Group C.

Pero ang pinakamala­king dagok sa kampanya ng koponang ay noong la­sapin ang 96-78 pagkadurog sa karibal na Chinese  Taipei sa quarterfinals para  malaglag na lamang ang pinakadominanteng koponan sa rehiyon sa bas­ketball sa battle-for-fifth place.

Bukod sa pagkakaroon ng injury sa pambatong sentro na si Yi Jianlian, lumakas na rin ang ibang koponan dahil sa pagkuha ng mga dayuhang coach o di kaya ay ang pagsungkit ng mga  banyagang manlalaro bilang mga natura­lized player.

Ito  ang ika-19th edis­yon  na  nakasali ang China sa FIBA Asia na may 15 titulo  bukod sa isang pilak at dalawang bronze medals.

Huling taon na hindi pu­masok sa top three ang China ay noong 2007 nang ang inilabang koponan sa Tokushima, Japan ay hindi nakaabante sa Group sta­ges sa 0-3 baraha. Ngunit ito ay dahil sa ang ipinadala nila ay mga batang manla­laro para maihanda sila sa Beijing Olympic sa sumunod na taon.

Sa di inaasahang pagkatalo sa Taiwanese team, mapapatalsik na rin ang China sa FIBA World Cup na gagawin sa susunod na taon sa Madrid, Spain.

Ito lamang ang ikalawang pagkakataon na wala ang Chinese team sa World Cup sapul ng unang naglaro noong 1978 na itinaguyod ng Pilipinas.

Noong 1998 sa A­thens Greece unang hindi na­ka­sali ang China para wa­kasan ang limang sunod na edisyon na nakapasok sila. Pinakamataas na inabot ng China sa World Cup ay dalawang ninth place na nangyari sa  1986 Spain at 2006 Saitama edition.

Ang huling labanan ay ginawa sa Istanbul, Turkey noong 2010 at nalagay sa 15th place ang Chinese team.

ASIA MEN

BEIJING OLYMPIC

BOB DONEWALD

CHINA

GROUP C

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with