^

PSN Palaro

Gilas pasok sa World Cup: Lalabanan ang Iran para sa korona

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

12 nn Jordan vs Kazakhstan/Qatar (7-8 place)

2:45 p.m.  China vs Qatar (5-6 place)

5:p.m.  Chinese-Taipei vs Korea (3rd-4th)

7:00 p.m. Iran vs Philippines (championship)

 

 

MANILA, Philippines - Bumaha ng emosyon ang Mall of Asia Arena nang talunin ng Gilas Pilipinas ang Korea, 86-79 para umusad sa finals ng 27th FIBA-Asia Men’s Championship kagabi.

Nawala si Marcus Douthit  dahil sa injury sa kalagitnaan ng 2nd quarter, pero hindi matatawaran ang malaking puso na taglay ng mga locals para kunin din ang isang tiket para sa FIBA World Cup sa 2014 na gaganapin sa Madrid Spain.

Sina Jayson Castro, Marc Pingris at Ranidel De Ocampo ang naunang nagbigay ng enerhiya sa ikatlong yugto bago pumalit si Jimmy Alapag na nagpakawala ng dalawang matitinding tres sa huling tatlong minuto ng sagupaan.

Ang pangalawang tres ni Alapag na naipasok  matapos ang sariling tres ni De Ocampo ang nagbalikwas sa Nationals mula sa 76-77 iskor.

Binutata ni Gabe Norwood  si Kim Mingco sa sumunod na play na tumapos sa laban ng mga Koreans.

“ Mahirap na mawalay sa pamilya pero kasama sa sakripisyo ito puso lang talaga at kayo ang na­ging inspirasyon . Para sa Bayan ito,” pahayag ni Pingris na humatak rin ng 10 rebounds.

Samantala, binomba ng Iran ang Chinese -Taipei sa ikala­wang yugto para trangkuhan ang 79-60 demolisyon at kunin ang unang puwesto.

Isang 15-0 run ang nag­­paningas sa matin­ding atake ng Iranian team upang tabunan ang 14-23 iskor matapos ang unang yugto at maging kauna-unahang koponan din mula Asia na nakakuha ng puwesto sa FIBA World Cup sa 2014 sa Madrid, Spain.

May 12 puntos si  Mahdi Kamrany sa first half at siyang namahala sa takbo ng laro ng Iran para maisantabi ang pagkakaroon ng tatlong fouls ng 7’2” center na si Hamed Hadadi.

Sumablay ang Taiwa­nese team sa kanilang unang 13 buslo sa yugto para maiwanan sa 41-29.

Tumapos si Kamrany bitbit ang 19 puntos bukod pa sa tig-anim na rebounds at assists at may dalawang steals habang si Hadadi ay nagdagdag ng17 puntos at 14 rebounds.

“Chinese Taipei is the toughest team in this tournament and they beat China. They played great in the first quarter but we started playing good defense in the second. It was a great game,” wika ni Hadadi.

Ginamit nang husto ng Iranians ang kanilang ang­king height advantage para kunin ang 47-24 bentahe sa rebounding bukod pa sa 58-20 kalamangan sa points in the paint. Naipa­kita rin nila na may taglay silang bilis sa 23-6 fastbreak points.

Si Quincy Davis III ay mayroong 16 puntos pero kinulang siya ng suporta dahil si Chen Shih-Chieh lamang ang nasa double digit sa 11 at ang Taiwanese team ay nagtala lamang ng 4-of-24 shooting sa 3-point line para bumaba sa bat­tle-for-third place.

Gumawa naman ng 33 puntos si Wang Zhizhi  mula sa bench para pa­ngunahan ang 79-76 panalo ng napatalsik na kampeong China sa Jordan sa consolation round.

Inangkin ng Japan ang  ikasiyam na puwesto nang pulbusin ang Hong Kong, 79-50, habang ang India ang tumapos sa ika-11th puwesto sa 75-65 tagum­pay sa Bahrain sa iba pang laro.

Iran 79 – Kamrany 19, Hadadi 17, Sahakian 13, Afagh 10, Bahrami 8, Asghar 8, Jamshidijafarabadi 2, Davoudichegani 2, Sohrabnejad 0, Arghavan 0

Chinese Taipei 60 – Davis 16, Chen 11, Tseng 6, Tsai 6, Hung 5, Lu 5, Tien 4, Lin 3, Creighton 2, Yang 2, Chou 0

Quarterscores: 14-23, 41-35, 60-39,79-60.

ASIA MEN

CHEN SHIH-CHIEH

CHINESE TAIPEI

HADADI

MALL OF ASIA ARENA

PARA

SHY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with