Great wall bagsak sa Taiwan: Iran pinatalsik ang Jordan, kakasa sa semis
MANILA, Philippines - Tila hindi na naramdaÂman ni Yi Jianlian ang pagÂtunog ng final buzzer dahil tulala ito at ‘di makapaniwala sa nangyari sa kanyang koponan sa pagÂlarga kagabi ng 27th FIBA Asia Men’s Championship quarterfinals sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hindi napigil ng China ang mainit na pagbuslo ng Chinese-Taipei sa second half tungo sa di-inaasahang pamamaalam ng nagdedepensang kampeon sa 96-78 pagkadurog.
Siyam lamang ang naÂisablay ng Taiwanese team sa 31 attempts sa second half at sa ikatlong yugto ay kumamada sila ng 31 puntos para makabalikwas mula sa 17 puntos pagkakalubog sa first half at angkinin ang puwesto sa semis.
“I told them, we should fight till the end. We should never give up,†wika ni Chinese Taipei coach Hsu Chin Che na ang koponan ay tumapos bitbit ang impresibong 60% shooting clip (36-of-60).
Ito lamang ang unang panalo ng Chinese-Taipei sa China sa pitong pagkiÂkita at malaking papel ang ginawa ni naturalized center Quicy Davis III nang tuÂmapos ito bitbit ang 26 puntos at 10 rebounds bukod sa 3 blocks.
Anim ang kanyang ginaÂwa sa ikatlong yugto pero ang kanyang mabigat na kontribusyon ay ang pagdepensa kay Yi na kahit na umiskor ng 10 sa yugto ay napagod naman para magkaroon na lamang ng anim na puntos sa huling 10 minuto.
Si Tsai Wen-Cheng ay may 21 puntos habang si Lin Chih-Chieh ay naghatid pa ng 17 puntos at 7 assists. Sina Tien Lei at Hung ay nagsanib sa 21 puntos.
Kampante pang angat sa halftime ang China sa 50-40, pero lumaylay ang kanilang depensa na siyang itinurong malaking dahilan ni Greek coach Panagiotis Giannakis na siyang nagpabagsak sa pader ng koponan.
Ang panalo ng Chinese-Taipei ay nagresulta para itakda ang pakikipagsukatan sa Iran na dinurog ang Jordan, 94-50, sa unang quarterfinals match.
May 20 puntos, 8 reÂbounds at 3 blocks si Hamed Hadadi para pamunuan ang limang Iranian players na may 11 puntos na ginawa sa laro upang matabunan din ang pagkatalo sa Jordanian team sa quarterfinals sa Wuhan, China.
Ang pagkatalo rin ng China at Jordan ay mangaÂngahulugan na hindi na sila makakalaro sa 2014 FIBA World Cup sa Madrid, Spain kung hindi mabibigyan ng wild card ng FIBA
Kita ang determinasyon ng 2007 at 2009 champions na Iran at agad nilang nilayuan ang Jordan sa unang yugto, 31-11.
- Latest